This is the day for ukay-ukay! I woke up my hubby at 530am and told him that we are going to my favorite place to shop. Ang walang kamatayang ukay ukay. Aba, sabi yata ng sales lady eh today me bago silang stocks. Kelangang makauna para magaganda pa yung mapili mo. So yun, alis ng bahay, naka-tsinelas lang ako, fit na pants, sando, cap at malaking bag. Ayan, ready na ko. Destination today Ukay in Cubao, susuyurin ko ang place.
First stop, dun sa tapsilog, kain muna para madaming energy walking around. First store, naku naka-tatlong blouse ako for P20 each. Sabi ng asawa ko, inde ka namimili kung ano daw yung una kong nakita, bili agad. Oh well, ok na yun ayoko na kasing bumalik pa rito maya-maya. Dami pa stores na pupuntahan.
Second store, aba nakabili ang asawa ko ng isang shorts at isang t-shirt. Bumili ako ng para sa anak ko, two shirts. Medyo mahal ang store na ito, naka P350 ako for just 4 items. Hmmnn... Pero in fairness, maganda yung items.
Third store, me nakita akong handwoven na floor rugs for only P20 each. Makabili nga ng limang piraso. Tawa ng tawa ang hubby ko, sabi pati ba naman yan? He, he, he. Ikot pa sa store, me nakita naman ang hubby ko ng Nike na jacket, binili niya agad for P120. Me nakita akong rack na ang nakalagay ay 3 for P100. Attack agad ako, check there, hila dito, hila dun. Kilatis kito, kilatis dun. I end up buying 6 blouses for me worth only P200 and 6 shirts for my son worth P200 din. Yung asawa ko, ganun din, 6 shirts for P200. Ayos!!!
Fourth store, ito yung me bagong dating. I expect mahal pa ng konti pero ok na rin kasi ikaw ang unang makakapamili. Me nakita akong jogging pants. I bought 3 for P120 each. Yung hubby ko naman isa lang for P120 rin. Syempre, me binili rin ako for my son, isang jogging pants din worth P85. Pagod na ko pero sige pa rin.
Fifth store, ikot ako ng ikot, walang maganda. Sabi ko sa asawa ko, labas na tayo.
Sixth store, ayun me nakita akong slacks na white worth P80,binili ko agad. Yung asawa ko gutom na naman. Sabi ko, just go and eat then balikan mo ako dito. Lumbas na siya ng store, eto na ko, pili ng pili pa rin. Me nakita akong shoes at ang ganda. Leather, Italian made, hmmm... sukat ko nga. Swak! Binili ko, P350 siya. Maganda din tong store na ito, ok ang mga items, nakabili din ako ng curtains, 2 sets worth P800. Maya lang, bumalik na yung hubby ko at me dalang water for me. Sabi ko, lipat tayo ng store.
Seventh store, grabe ngalay na ngalay na yung mga paa ko. Pagod na ko sobra. Sabi ng asawa ko dapat kumain daw ako uli. Anyway, sabi ko last store na ito. Ikot na naman ako. Yung hubby ko, surrender na. Umupo dun sa chair. Then there it was, the ultimate item for the day, a backpack,Jansport for only P200. Eto yung gusto kong pack, see through siya. Yellow ang kulay. Siyempre, binayaran ko agad. Baka maunahan pa ko.
I calculated everything na napamili namin, P3225. Ok na sa dami ng dala ng asawa ko, he he he. Mukha na siyang kargador. So there goes my ukay shopping for the month.
Mura ang ukay shopping and second hand man siya, signature naman ang clothes mo. He, he, he. Actually, inde naman ako after sa signature ng clothes eh. Ang sa akin lang, yung mura, maganda tingnan at siyempre ang kalidad. Sabi ng minsan ng boss kong Canadian, "Hey, Annalyn, I like your blouse. Where did you buy it?" My answer was, "I bought it in UK!"
Ha, ha, ha!!!